May 1, 2022 - Sunday
Municipal Conference Room
Ginanap noong ika-1 ng Mayo, 2022 sa Conference Room ng Pamahalaang Bayan ng Lemery, Batangas ang Operation Libreng Tuli 2022 na hatid sa inyo ng Pamahalaang Bayan ng Lemery, Batangas sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Geraldine C. Ornales kasama at sa pakikipag tulungan ng Lemery Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Wency Veragara at Taal Lemery Medical Society.
Inabisuhan po ng ating Lemery MHO ang mga Barangay Health Workers upang makapag bigay ng listahan ng mga bata para sa nasabing libreng tuli.
Ang Pamahalaang Bayan ng Lemery, Batangas ay taos pusong nag papasalamat sa Taal-Lemery Medical Society at mga Doktor na nag volunteer para sa ating libreng tuli:
Dr. Vincent Flores
Dr. Aldrin Cuasay
Dr. Buenaventure Magboo
Dr. Luisito Huerto
Dra. Liezl Medrano Luciano
Dra. Wency Vergara
Taos pusong nagpapasalamat din ang Pamahalaang Bayan ng Lemery, Batangas sa healthworkers ng ating Lemery MHO upang maisakatuparan ang libreng tuli para sa ating mga batang kababayan.
Magkita-kita po muli tayo sa susunod na Operation Libreng Tuli ng Pamahalaang Bayan ng Lemery! Maraming salamat po!
#GOLemery
0 Comments