GUIDE FOR HAND, FOOT, & MOUTH DISEASE


 


Ano nga ba ang HAND, FOOT, & MOUTH DISEASE? Narito ang mga palatandaan at sintomas, mga pamamaraan ng pagkalat at pag-iwas sa nakakahawang HFMD.


Ang HFMD ay isang nakakahawang viral infection sanhi ng coxsackievirus at enterovirus na karaniwang sakit ng mga saggol at mga bata. Ito ay nakakahawa sa unang linggo ng impeksyon.


MGA PALATANDAAN AT SINTOMAS

• Lagnat

• Walang ganang kumain

• Pulang rashes

• Masakit na lalamunan

• Masamang pakiramdam


PAMAMARAAN NG PAGKALAT

Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng kontak sa sipon, plema, laway, dumi ng tao na may HFMD o sa paghawak sa mga bagay na hinawakan nito.


PAG-IWAS AT PAGKONTROL

• Panatilihing malinis ang pangangatawan

• Palaging maghugas ng kamay

• I-disinfect ang mga kontaminadong lugar at bagay

• Iwasan ang paglapit sa mga taong may HFMD


Kung nakakaramdam ng anumang sintomas ng HFMD, huwag itong ipagsawalang-bahala at agad kumonsulta sa ating Municipal Health Office (MHO), telepono (043) 740-2983.


Isang mahalagang paalala mula sa ating butihing Punumbayan, Mayor Ian Kenneth M. Alilio at Pamahalaang Bayan ng Lemery.


#IANgatangLahat #IANangNararapat #BayanngLemery

Post a Comment

0 Comments