Ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ang pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng P4,000 sa 140 na benepisyaryo ng LGU Scholarship Program upang makatulong sa kani-kanilang gastusin sa paaralan.
Ipinapaabot ng ating Punumbayan Kgg. Ian Alilio, sa pamamagitan ni Gng. Lenelita Balboa ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang taos pusong pasasalamat sa ating tax payers na susi sa pagsasakatuparan ng programang ito; at mensahe sa bawat mag aaral na pag igihan ang pag aaral at abutin ang kani-kanilang pangarap para sa pamilya at sa Bayan.
#IANgatAngLahat
#BayanNgLemery
0 Comments