Narito naman ang kasalukuyang sitwasyon ng Sabo Dam matapos ang ilang araw na pagaalis ng putik at kahoy bilang paghahanda sa parating na Bagyong Uwan.
Ang Sabo Dam ay nagsisilbing imprastraktura na sumasala at sumasalo sa bulto ng tubig, putik at kahoy mula sa upland Barangays at karatigbayan na maaring makapinsala sa low-lying Barangays tulad ng Poblacion.
Sa papalapit na banta ng Bagyong Uwan, nakahanda ang pamahalaang bayan, sa pangunguna ng ating Punumbayan, na masigurong maayos ang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbabaha sa Bayan.
#UwanPH
#IANgatangLahat
#BayanNgLemery
0 Comments