PESO UPDATES | JOB FAIR 2026





Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ng Public Employment Services Office, ng 2026 PESO JOB FAIR kasama ang mahigit 34 companies at service agencies.
Sa kabuuan, nagtala ang PESO Lemery ng 379 job seekers kung saan 232 aplikante ay mula sa Bayan ng Lemery at 147 aplikante ay mula sa mga karatig-bayan. Nagtapos ang programa na may 42 aplikante na HOTS o Hired on the Spot.
Ipinapaabot ng ating Punumbayan Mayor Ian Kenneth M. Alilio at OIC-PESO Manager na si Bb. Anjerica L. Isay ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng kompanya at partner agencies na nakiisa sa programang ito.
Congratulations at best of luck, job seekers!
#IANgatAngLahat 
#BayanNgLemery

Post a Comment

0 Comments