Ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ang pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng P5,000 sa 102 Mainteners na benepisyaryo ng LGU Scholarship Program upang makatulong sa kani-kanilang gastusin sa paaralan.
Ipinapaabot ng ating Punumbayan Kgg. Ian Alilio, sa pamamagitan ng PDAO, ang taos pusong pasasalamat sa ating tax payers na susi sa pagsasakatuparan ng programang ito; at mensahe sa bawat mag aaral na pag igihan ang pag aaral at abutin ang kani-kanilang pangarap para sa pamilya at sa Bayan.
#IANgatAngLahat
#BayanNgLemery
0 Comments